“Tama na!
Ayoko nang marinig iyang mabubulaklak mong mga salita
Pinapaikot mo lang ang puso at isip ko
Pinapaikot
Ikot ng ikot
Hanggang sa ako ay mahilo at di ko na makayanang tiisin lahat ng sakit na binibigay mo.” -V.C.
📷Credits
“Tama na!
Ayoko nang marinig iyang mabubulaklak mong mga salita
Pinapaikot mo lang ang puso at isip ko
Pinapaikot
Ikot ng ikot
Hanggang sa ako ay mahilo at di ko na makayanang tiisin lahat ng sakit na binibigay mo.” -V.C.
📷Credits
“Bakit nawawala ka?
Sasagot ka sa sinabi ko
Wala pang isang minuto akong sasagot sayo
Pagkatapos ano?
Maglalaho ka na parang isang bula
Maghihintay na naman ako ng ilang minuto,
Ilang oras
Nabilang ko na yata ang ilang tupa kahihintay sayo
Nais ko lang namang malaman ang sagot sa tanong ko
Ang tanong na “Mahal mo rin ba ako?”
Pero wala e
Ganyan ka,
Ganito ako
Aasa na lang ba ako muli sa isang kasabihan?
Na “Oo ang sagot sa katahimikan”.-V.C.
📷Credits
“Tuwing mayroong masarap na kendi o tsokolate sa aking tabi
Malimit kong mapigilan ang aking sarili na kumuha nang paunti-unti
Lagi kong sinasabi na “huli na ‘to” sa aking kakainin
Paulit-ulit kong binibigkas ang tatlong salitang iyon
Paulit-ulit
Na parang sirang plaka
Hanggang sa maubos na ito
Naubos
Nawala
Tsaka palang ako titigil.” -V.C.
📷Credits
“Bakit ko pa susubukang sirain ang isang pag-iibigang di ko naman kayang wakasan?” -V.C.
📷Credits
“Mabuting umalis na lang upang hindi makasakit
Pero hindi mabuting lumisan nang may iniwang responsibilidad.“ -V.C
📷Credits
“Nakita kita sa aking panaginip
Ako raw ay iyong iniibig
Tama nga ba ang aking nasilayan
O isa ito sa mga ilusyon lamang” -V.C
📷Credits
“Nang makita ko ang paghalik niya sa labing nais kong halikan,
Ito na ba ang simbolo para siya ay kalimutan?” -V.C
📷Credits
“Minsan iniisip ko kung bakit ba ako nasa mundong ito
Para lang ba gumising ng maaga at pumasok sa paaralan?
Para lang ba magtrabaho at pagandahin ang kinabukasan?
Para lang ba makipaghalubilo sa iba at makipagkaibigan?
O kaya nama’y para lang humanap ng pag-ibig at kasintahan?” – V.C.
📷Credits