“Tama na!
Ayoko nang marinig iyang mabubulaklak mong mga salita
Pinapaikot mo lang ang puso at isip ko
Pinapaikot
Ikot ng ikot
Hanggang sa ako ay mahilo at di ko na makayanang tiisin lahat ng sakit na binibigay mo.” -V.C.

 

📷Credits

“Bakit nawawala ka?
Sasagot ka sa sinabi ko
Wala pang isang minuto akong sasagot sayo
Pagkatapos ano?
Maglalaho ka na parang isang bula
Maghihintay na naman ako ng ilang minuto,
Ilang oras
Nabilang ko na yata ang ilang tupa kahihintay sayo
Nais ko lang namang malaman ang sagot sa tanong ko
Ang tanong na “Mahal mo rin ba ako?”

Pero wala e
Ganyan ka,
Ganito ako
Aasa na lang ba ako muli sa isang kasabihan?
Na “Oo ang sagot sa katahimikan”.-V.C.

 

 

📷Credits