“Tama na!
Ayoko nang marinig iyang mabubulaklak mong mga salita
Pinapaikot mo lang ang puso at isip ko
Pinapaikot
Ikot ng ikot
Hanggang sa ako ay mahilo at di ko na makayanang tiisin lahat ng sakit na binibigay mo.” -V.C.
📷Credits
“Tama na!
Ayoko nang marinig iyang mabubulaklak mong mga salita
Pinapaikot mo lang ang puso at isip ko
Pinapaikot
Ikot ng ikot
Hanggang sa ako ay mahilo at di ko na makayanang tiisin lahat ng sakit na binibigay mo.” -V.C.
📷Credits
“Tuwing mayroong masarap na kendi o tsokolate sa aking tabi
Malimit kong mapigilan ang aking sarili na kumuha nang paunti-unti
Lagi kong sinasabi na “huli na ‘to” sa aking kakainin
Paulit-ulit kong binibigkas ang tatlong salitang iyon
Paulit-ulit
Na parang sirang plaka
Hanggang sa maubos na ito
Naubos
Nawala
Tsaka palang ako titigil.” -V.C.
📷Credits
“Nakita kita sa aking panaginip
Ako raw ay iyong iniibig
Tama nga ba ang aking nasilayan
O isa ito sa mga ilusyon lamang” -V.C
📷Credits
“Nang makita ko ang paghalik niya sa labing nais kong halikan,
Ito na ba ang simbolo para siya ay kalimutan?” -V.C
📷Credits
“Minsan iniisip ko kung bakit ba ako nasa mundong ito
Para lang ba gumising ng maaga at pumasok sa paaralan?
Para lang ba magtrabaho at pagandahin ang kinabukasan?
Para lang ba makipaghalubilo sa iba at makipagkaibigan?
O kaya nama’y para lang humanap ng pag-ibig at kasintahan?” – V.C.
📷Credits
“Buti pa yung mga password ko nakakalimutan ko sa loob lamang ng isang linggo
Pero bakit ganon ilang buwan na di ka pa rin nalilimutan ng puso ko.” -V.C.
📷Credits
“Nakikita mo na ba ang sarili mo kasama ang ibang tao?
O patuloy ka pa ring kinakain ng mga imahinasyong kasama ako” -V.C.
📷Credits